Dating “illegal mangrove cutting capital ng Pilipinas” modelo ng conservation ngayon | Need To Know

2024-12-20 656

December 2021 nang manalasa sa bansa ang Super Typhoon #OdettePH. Nagdulot ito ng malalakas na ulan, hangin at storm surge sa malaking bahagi ng bansa, lalo na sa Visayas at Mindanao. Mahigit 7 million individuals ang naapektuhan ng bagyo, more than 2 million houses ang na-sira at mahigit 1,700 ang damaged infrastructures.

Pero naniniwala ang mga lokal na residente at pamahalaan ng Siargao na posibleng mas malaki pa ang damages sa lugar kung wala ang proteksyon ng mangroves o bakawan. Sa katunayan, itinalaga nang Ramsar Site of International Importance ang Mangrove Forest ng Del Carmen nitong November.

Gaano kahalaga ang mangroves sa laban natin sa climate change at paano ito pinahahalagahan ng bayang prinotektahan nito? Here’s what you #NeedToKnow.